Tuesday, August 12, 2008

Panalangin para kay Arkanghel San Rafael


Si San Rafael ang Mayordomo ng Poong Diyos kaya ang taglay niya ay isda at tinapay.


PANALANGIN

Oh kamahal-mahalang Arkanghel San Rafael, kagamutan ng Diyos para sa kagalingan ng mga tao, sa lubos na pagpapakumbaba ay ipinag-aamoamo namin sa iyo na ikaw nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat naming kailangan, at gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos ng sugat ng mga kasalanan, at gamutin mo rin ang mga sakit at karamdaman ng aming katawang lupa, upang magkamit kami ng kaligayahan dito sa lupa at sa langit man, Siya Nawa.

ANTIFONA

Rafaele Principe ait: EGOSUM UNUS EX SEPTUM QUI ASTAMUS ANTE DOMINE TOBIAM QUE SECUN ILLUM INOVIT ET DEMONIUM APREHENDIT RELEGAVIT QUI ILLUD IN DESERTO.

ORATIO

Deus qui extua inefabile benitate Beatum Rafaelem fidelibus tuis beateribus doctorem male que habentibus medicum ab incie constituiste suppliciter rogamus ut nobis imflerentibus opendicte. Principes astantis patefacius semitam salutis et egretudinumtam anime quam corporis salutatem medicam conceda. Per dominum nostrum Jeusm Christum, Amen.

Oracion upang maligtas sa mga Sakit at Karamdaman

ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORIS ET ANIMAE

Si San Rafael ang Bantay kung araw ng Martes, kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.

ET CELIM ET CRUCEM ET CERGINEM


7 comments:

dan wynter said...

ginoong juan pedro,marami na po akong narinig namaraming mga faith healers o iba pang uri ng sorcerers ang may mga supernatural sponsors o tagapagturong engkanto.nagtataka lang po ako kung paano nag-exist ang mga iyon.nilikaha rin po ba sila ng Diyos?salamat po..

J. Pedro said...

Nilikha din sila ng diyos. Sila yung tinatawag na spirit guides. Kaya lang mayroon ditong totoo at nagkukunwari lamang na may spirit guide. Iba't-iba ang pagdating ng spirit guide may mga taong bukas agad dito at madaling makakonekta sa ispiritu mayroon din namang kailangan magpalalim ng karunungan. Subali't kailangang maging maingat dahil maraming nagpapanggap. Ang masasamang ispiritu ay nasa paligid lamang at ang mga banal ay kailangan ang malinis na budhi, kalooban at gawain bago maabot. Iba-iba din ang antas ng mga ispiritu kaya dapat maingat. Kung sakaling abutin mo ang ganitong antas huwag kalimutang humingi ng baluti sa Diyos Ama at Panginoong Jesus at batiin ang ispiritu ng "Sumainyo ang puspos na kapayapaan at kabanalan na nagmumula sa Diyos Ama sa Kaitaasan."

james said...

Ginoong J. Pedro, eto po ba ang oracion para sa medalyon ni San Rafael?

dennis gabalones said...

maraming maraming salamat po sa lahat ng post nio may God always Bless you and even ur family, wish that ma meet ku kau one time , God Bless us all

dave said...

To all pinoy kung sino man po may sakit na dengue o sobrang taas ng lagnat, pwede po kayo pumunta sa 303 c. San juan st. Pasolo valenzuela city, libre lang po magpagamot walang bayad o donasyon. Kung may interesado po ito Number 09087117536

Ely Gabriel said...

gandang araw.. sir j.pedro gusto q po matututo ng karunungan tulad ng s inyo aware nman po aq sa ganyan kxe mga ninuno q ay may alam dn s ganyan nung bata p aq nakkita q ung mga ritwal nila pero nd q alam may mfa agimat dn xla nakkita n binibilad nla pag biernes santo at ung librong itim . mga nabasa q un pero nd q alam kung ppaano un pero mafagal n un.. sana matulungan u aq gusto q saba ung mga orasyon n pampaswerte... gusto q sanang mag abrud p kaya lng laging hadlang at nauudlot nd q alam kung baket po.

Ladyprince Deseo said...

sir pedro... magtanong sana ako paano magamit ang bato ..para makaroon ng agimat....