Monday, May 5, 2008

May likas ka bang kapangyarihan?

Gusto mo bang malaman kung may likas kang kakayahang magpatalab ng mga orasyon? Ibabahagi ko ang isa sa mga pagsubok na pinagdaanan ko noon kay Lolo Indo, noong sinubukan niya ako kung may likas akong kakayahan na magpatalab ng mga dasal at orasyon. Kung sa iyong pagsubok ay mapatalab mo agad ang orasyong ibabahagi ko ngayon dapat kang matuwa at magpasalamat dahil isa kang bertudes, kung hindi mo naman mapatalab ay huwag kang malungkot dahil ibig sabihin nito ay kailangan mo lang magsakripisyo, manampalataya at maghandog ng panalangin sa panginoong Jesus at sa Diyos Ama.

Una, kailangan mong maghukay sa lupa ng may lalim na hanggang siko at may katamtamang luwang. Hulugan mo ng katam-tamang laki ng bato (huwag batong buhay) ang iyong hinukay at tabunan ito. Ibulong mo sa iyong palad ang orasyong ito ng tatlong beses "Jutlay Jutlay Mamonglay kahit bato, kahoy ay durog" samahang mo ng tatlong "phu" sa hulihan ng ikatlong bulong. Manampalataya at suntukin ng tatlong beses ang ibabaw ng tabon ng ibinaong bato.

Hukaying muli ang hukay at suriin ang bato. Depende sa patalab ng orasyon, maaaring ang bato ay magkaroon ng pingas, mahati o magkahati-hati, o madurog. Maari din namang walang mangyari sa bato, subali't tulad ng sabi ko hindi madali ang magpatalab ng orasyon. Isa itong sakripisyo. Kung mapatalab mo ito, huwag gamitin sa tao o alagang hayop sapagka't maaaring makasakit o makamatay.

Kung sakaling maging matagumpay kayo sa pagsubok na ito, huwag sana kayong mag-atubiling magbahagi ng inyong karanasan sa pamamagitan ng blog site na ito.


Narito ang pamamaraan ng paggamit sa orasyong una kong sinulat na para sa cabal "Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen" . Nasa orasyong ito ang lihim na pangalan ng mga anghel na dumating at dumapo sa krus ni Jesus habang siya ay nakapako. Ayon kay Lolo Indo, mas mabisa ang cabal na ito kung sa alak ibubulong sa halip na sa tubig lamang. Dasalin at ibulong ang orasyon ng tatlong beses sa alak na nasa baso matapos orasyunan ang alak hipan ito ng pa-krus ng tatlong beses. Inumin ang alak ng tuloy-tuloy o isang inuman lamang, kaya dapat katamtaman lang ang dami nito.

18 comments:

buenas-gracias said...

Hello po! Pwede ko po ba malaman kung para saan ginagamit ang orasyon na ito? Bakit po hinahalo sa alak? Gayuma po ba yan? I need your quick answer please....

"Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen" .

buenas-gracias said...

ano po ba ang ibig sabihin ng CABAL? at yung cabal sa katawan,anong araw po ba yan at anong oras sinasagawa upang magkaron ng bisa???
Reply back po pls????

atrjones said...

sir, ano po bang tamang paraan sa pagamit nitong orasyon para gumana..ano pong gawin before natin gawin ang orasyon? or dasal before gawin ang orasyon?..pwede turoan mo naman ako sa tamang procedure sa pagamit nito para tumalab..please po sir...

"Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen"

my e-mail atrjones@yahoo.com

MuzikA said...

Sir pedro pde ko po ba malaman ang iba pang paraan para malaman kung may likas kang kapangrahiran pa e-mail nalang po

nameless0415@yahoo.com
or txt mo po ako'
09087656919

salamat po sir pedro

ETEKSUPPORT said...

sir Pedro ano po ba and ibig sabihin ng "phu" (3x) paano po ba itong ibigkas

Melchor said...

"phu" means Lady

Tagulilong said...

cabal ibig sabihin kalasag sa katawan para d tablan ng patalin at bala

arjie said...

kuya ano po relehiyon nyo? kilala nyo po ba ang tatang valevtine delo santos? ang nagtatag ng samahang lapiang malaya,,, ksi po ung iba nyo orasyos sa panggagamutan ay katulad ng sa tatay ko,, rezalista po ako,,, marami pa ho sana ako ma ikukwento sa inyo,,, sana masa got nyo katanungan ko... ito po facebook account ko,, arjieafrica@yahoo.com tnx.. godbless merry xmas!!!

bluejeff said...
This comment has been removed by the author.
bluejeff said...

sir pedro pwde po bang malaman kng may iba pang dasal na gagawin bago bigkasin ang orasyon na ito? "Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen" .

ito po facebook ko bluejeff2013@yahoo.com
salamat po..godbless

Nalyn Duyag said...

Magandang araw PO...ung orasyon PO sa sakit ng ngipin napaka effective talaga,Tatlong araw na masakit ang gums ko at connected sa ulo ko tapos hindi ako maka kain ng ma ayos..tapos ang dami kunang nilagay na gamot ganon parin,try ko ung orasyon na un napaka effective talaga pag katapos ko gawin ang orasyon woowwww thank you God nawala ang sAkit nakatulog ako hanggang umaga...maraming salamat sa mga orasyon niyo po....

lowel tabotabo said...

Hindi lang hu basta sa Orasyon po yan. kadalasan po depende sa tao kung gaano ka linis ang tao gayun din sya kabisa po magpa andar ng Orasyon. gaya ng mga babae ay dubli ang kakayahan ng babae magpa andar ng orasyon kesa sa lalake sa karamihan sa babae ay malinis ang kaluluwa.

jhayemmarbella said...

magandang gabi po sa mga may kabal gusto ko lang ishare kung anung meron ako para malaman nyo ang dapat gawin at mag karoon neto meron po akung meladyon ng infinito deus at medalyon ni san miguel arkanghel at kay san benito binigay sakin eto ng aking lolo at binigyan nya ako ng 7 pagsubok bago ko makamit ito at mag karon ng kabal ang sabi sakin ng lolo ko pag ito ay nagawa ko hindi ako tatablan ng baril o hindi puputok sakin at hindi ako tatablan ng mga patalim binigay sakin ito ng lolo ko nung mahal na araw pag dating ng alas 12:00 ng madaling araw byernes santo kamatayan ni jesus pinag dasal ako ni lolo ng mga oracion at latin sa sementeryo nakaluhod ako sa mga puntod o nitcho may mga kung anu anung bagay akung nakikita at nararamdaman may mga spirito sa paligid ko at mga nakakatakot na hayop ahas at alupihan gumagapang sa mga kamay ko sabi sakin ng lolo ko wag kung papansinin diretsyo lang sa pag dadasal hindi ako mapapahamak dahil may mga oracion at latin ako sa katawan pag natakot ako o sumigaw laglag na ako at maari pa akung makagat o masapian ng mga spirito pero nagawa kung lahat ito pag tapus nun ay twing alas 6:00 nga umaga o hapun ay kaylanagan ko itong paakainin ang mga medalyon ko ng dasal para gabayan ako sa lahat ng panganib o masasama ang araw ng pang kakain ko sa mga medalyon ko martes o byernes alas 6:00 pero ang lahat ng bawal o tukso un ang panganib mo at pagsubok bawal kang mambabae or mag pahakbang ka sa babae lalo na ipahawak ito sa iba or ipag mayabang gusto ko lang ibahagi saiyo ang kapangyarihan ko sinubukan ako ng mga medalyon ko at gabay ko sa mga taong masasamang may balak sakin kahit ilang beses nila akung holdapin at pag babarilin hindi sila nag tatagumpay sakin dahil bigla akung nawawala sa paningin nila at hindi pumuputok ang mga baril nila lahat ng sumaksak sakin nag sibaluktot ang mga patalim naranasan nyo na bang mag laho sa harap nila isang oracion ang ibibigay ko sa inyo dumikit lang kayo o sumandal sa kung anung bagay katulad ng kotse at bangitin nyo po ito sinet picatum picabit jerusalim sabay sign of crus at hindi na kayo makikita ng nag hahanap sainyo gusto ko lang po itong ibahagi at ipaalam sa inyo salamat po jhayemmarbella@yahoo.com

chabert cortez Tulbo said...

Marong ka ba mag libreta paturo ako or email me chabertcorteztulbo@gmail.com

24 ANCIANOS said...

Sir jhaymmarbella, sanay matulungan mo ako ! Ako po ay maibigin sa lihim na karunungan ng diyos. Kahit ako ay bata pa lamang ay mahilig na ako sa mga ganyang bagay. Medyo marami na rin akong alam na mga orasyon. Sapagkat marahil ay ang aking ama at aking uncle ay may mga dinadalang mga ganyang bagay. ang aklat na lihim na karunungan ng diyos ng uncle ko ay tatlong klase po .. ang uncle ko lang po ang nag turo sa aking ama... Nais ko po sana na mang gamot sa may mga sakit, lalo na kung iba ang kanilang karamdaman yung ginagalaw ng laman lupa, inpakto, barang kahit anung sakit sa aming baryo . at sa kali mang matulungan mu ako ay d ko namn ito pag kikitaan nais ko lang talaga tumulong sa kapwa ko lalo na sa mga nangangailangan talaga ng tulong. Pati narin po sana sa pang defensa sa sarili laban sa nga masasama ang loob. Naway ako ay inyong pag bigyan sa aking mga sinabing mga sulat ko d2 gusto ko po sana na ikaw ang aking pinaka maestro sa mga ganyang bagay o master maraming salamat po !! ^_^ and GOD BLESS ITO PO CONTACT NO. KO # 09067313926

24 ANCIANOS said...

Ito pa po pala ang email ko edgarduroga@yahoo.com

24 ANCIANOS said...

Or search u nalang sir edgar duroga margate

24 ANCIANOS said...

Or search u nalang sir edgar duroga margate