Friday, May 2, 2008

Ang ilan sa mga pinagkaloob ni Lolo Indo


Ang aklat na ito na may titulong "Karunungan ng Dios" ang isa sa mga unang pinagkaloob ni Lolo Indo matapos ang maraming beses nyang pagtuturo sa akin ng mga orasyon at dasal. Inaamin ko na sa madalas naming pag-uusap ng matanda at sa halos araw-araw ko syang nakikita na nanggagamot at kinukunsulta ng iba't-ibang tao ay nagkaroon ako ng hilig sa mga bagay na ito.

Walang anak si Lolo Indo, kaya marahil naging malapit siya sa akin at pinagkatiwala niya ang ilan sa mga iniingatan niya. Madalas ay naaaliw ako sa iba't-ibang tao na pumupunta sa kanya. Mayroong babaeng umiiyak dahil iniwan ng asawa at sumama sa iba. Pinaki-usapan niya si Lolo Indo na pabalikin sa kanya ang kanyang asawa at pahiwalayin ito sa ibang babaeng kinahuhumalingan. Nakakapagtataka, pero makaraan ang ilang linggo muling bumalik ang babae at pinasalamatan si Lolo Indo, bumalik na daw ang asawa niya at biglang tumino. Naalala ko tuloy ang kumento ng isang miron noong kumukunsulta pa lang yung babae. Sabi niya, "hindi na kailangan ang orasyon sa lalaking nangangaliwa, lagyan mo lang ng dinikdik na paminta ang brief pag hindi naman nangati ang ari ng mga hinayupak na yan". Mabuti na lamang hindi narinig nung babae ang impit naming tawanan, kung nagkataon nabulyawan marahil kami ni Lolo Indo. Mukhang nabubudburan na ng paminta ang brief mo kaya nasasabi mo yan, ang sabi ng isa pang miron. Oo, sagot nya, yung lintik kong asawa masyadong maduda, sa umpisa wala akong nararamdaman pero pag medyo tumagal na at lalo pag pinagpawisan ka, naku parang may maliliit na langgam na kumakagat sa bayag at habang tumatagal lalong kumakati at medyo mahapdi. Lintik nga yang asawa mo, sino ba naman ang papatol sa iyo e laging yung kalabaw mo ang kasama mo, ang sagot ng isa naming kasama.

Ang medalyong nakapatong sa aklat ay pinagkaloob sa akin ni Lolo Indo isang taon makaraang ibigay niya sa akin ang aklat. Biyernes santo noon ng kausapin niya ako na may ipagkakaloob siya sa akin sa araw ng linggo. Sabi niya sa akin, mas matanda pa sa kanya ang medalyong ito. Ang kasaysayan ng mga simbulong nakaukit sa medalyon ay buong-buong nakasulat sa aklat na ibinigay nya sa akin.

Alang-alang kay Lolo Indo mahigpit kong itinago at iningatan ang medalyong ito upang hindi mawala. Tuwing biyernes santo kinukuha niya ito upang dasalan at muling ibinabalik sa araw ng linggo. Natigil lamang ito ng mag-aral at magtrabaho ako dito sa lungsod.

Ang libritong ito ay pinagkaloob din niya sa akin ng sumunod na taon kasama ang maliit na krusipihong baligtaran. Mahigpit ang bilin niya sa akin na huwag pahawakan at ipabasa sa iba ang maliit na aklat na ito. Kaya, labis ang aking naging kaba ng mawala ang libritong ito. Nang pumunta ako kay Lolo Indo para sabihing nawawala ang aklat ay pinagsabihan niya ako na hindi ako nakinig sa kanya ng sabihin niyang ingatan kong mabuti ang librito. Ang sabi niya, halughugin mo ang lagayan ng damit ng iyong kapatid at naroroon ang aklat. Dagli akong umuwi, at tama si Lolo Indo, naroroon nga ang aklat sa taguan ng damit ng kapatid ko, subali't may isa ding notebook at ng buklatin ko ay nakopya na niyang lahat ang laman ng librito. Kinuha ko ang librito at iniwan ang notebook. Nang ipaalam ko ito kay Lolo Indo, sinabi niya na hayaan ko na lang ang kapatid ko, marahil daw ay hilig niya din ito.

Ito ang aking notebook na ginagamit kapag nag-uusap kami ni Lolo Indo. Dito ko isinusulat ang lahat niyang aral sa akin. Sa mahabang panahon ng aming pagkukwentuhan, halos napuno na ang notebook na ito.

Ang makinis na batong itim sa ilalim ay bigay niya rin sa akin. Ayon sa kanya nakuha niya ito ng minsang inabutan niya ang kanyang kalabaw na sinusuwag ang isang malaking punso. Halos mapatag na ang punso, ng makita niya na mula sa pinakagitna nito ay tumalsik ang isang itim na bato. Mabilis niya itong dinampot at hinugasan sa katabing ilog. Ibinigay niya ito sa akin dahil pag dala daw niya ito parang gusto siyang suwagin ng kalabaw. Nang tanungin ko siya kung anong uri ng bato ito, pabiro niyang sinabi na "ingatan mo iyan..., yan ang hasaan ng nuno sa punso", sabay tawa.

61 comments:

eduard said...

kaibigan di kta kilala pro gusto ko malaman mo na npagkalooban din ako ng agimat...ito ay ang pitong arkanghel...bka pede mo ko matulungan para malaman ko ibig sabihin ng 3 letra na nkapaligid d2...D E G ....ano kya ibig sabihin nito...friendster add ko ejpro_302901@yahoo.com....sana tulungan mo ko....

Juan Pedro said...

Ang medalyon ng 7 arkangeles ay bilog na napapalibutan ng 7 tatsulok na may letrang A. Ito ang lihim na pangalan ng pitong arkangeles. Ang ibig sabihin ng EDG ay Egosum Gavinit Deus.

Carlo said...

Kapatid,

Pwedi bang malaman kung meron kang alam na Orasyon ng Haring Bakal at mabisang orasyon sa gayuma.

Salamat!

puting_baston said...

kababayan pwedi po ninyo i share sa aking yon nabangit mo na oracion kong paano mo maibalik ang asawa mo o yon minamahal mo sa buhay at yon oracion na gusto mong inais na iibigin mo.. paki send mo nalang sa email adds. ko puting_baston@yahoo.com maraming salamat po.

pablo said...

brother juan pedro hihingi po sana ako ng aklat ng diyos ng karunungan sainyo po kong ok lang po sa inyo, o kaya po ipapa XeRoX ko na lang po, mahilig po ako magbasa ng latin ang iba sinasaulo kona, kong dinapo ninyo
kay langan nyan nan d2 po ako para tang gapinyan at umasa po kayo pag iingatan ko ang libretto! ako po c paul anciano ( blk-29 lot -35 villa palao subd. banlic Calamba City ) add mo po ako sa friendster ( polly_carp@yahoo.com ) # 09092902510 sa lamat po

Amarari said...

J. Pedro, May nabili po akong libro dito sa tabi ng quiapo church. mga libro ng orasyon "Libro Secreto Recuerdo Cadina de Amor". Pero wala ako maxado alam sa pagoorasyon at pano gamitin to. Dahil marami sa Orasyon doon na hindi naman cnabi kung pano at kelan ito gagamitin at may dasal pa na pagpoder at llave at orasyon testamento sa libro. Gusto ko lang humingi ng tulong sa inyo kung pano gamitin ang mga orasyon. Hope na matulungan nyo ako. Pwede ko bigay ung mga content ng libro kung gusto nyo at wala pa kau nito. Pkiemail na lang po ako dto:
aimer.sevi@gmail.com
. . . Salamat

rai said...

pwede ko po malaman kung taga saan po kayo??send nyo mnn po sa akin sa friendster ko.. raisan87@yahoo.com.. salamt po...

jov said...

pwd ko po bng mkuha ang cp # mu mrami po akung nais atatanong sa inyo ixt nyo lng po ako sa # na 2
(09169443683)

jov said...

sna po mpgbgyan nyo po ang akiga kahilingan itxt nyo lng po ako at pki add nlng po friendster ko
bikerz_badboy677@yahoo.com
(09169443683)

kirsten said...

gud am po!sir juan pedro pwede po b makuha complete address ninyo salamat po!!
email add ko po:christophermariuscorpuz@yahoo.com

bandila said...

Dear Sir Juan Pedro.
I think it is a God´s will to got stuck in your Blogg dahil marami na po akong hinanapan ng sagot sa mga tanong ko pero walang nangyari. Reg. po sa mga orasyo nyo naniniwala po ako dito di lang sa salita. Marami po akong gusto malaman na kasagutan sa mga tanong ko. Pwede nyo po ba akong tulungan. send mail po sa add. ko dito at kailangan ko po ng tulong kaya po kung may time kayo paki mail naman po ako. Pwede ba kayong matawagan? Kung buhay pa po si Lolo INDO gusto ko pong makausap sya at magpagamot. Or even you can help me sir. my add is elisa_shere@hotmail.com

Watchtower said...
This comment has been removed by the author.
Watchtower said...

Why are you guys praying to "angels"? Why are you people looking towards the occult for the answers to your questions? Don't you think that there is something wrong with what you are doing?

We should only pray to the Lord and only to Him. You have to know that the devil will use everything and anything to get you away from the Lord. You trusting in these things makes the devil so very happy. I'm pretty sure you don't want the devil to be happy. I'm pretty you want the devil to be in pain and suffer. Don't put your trust and belief in such works of the devil. Trust in the Lord. Pray only to Him. Give praise and worship only to Him.

If you have a problem, pray to the Lord for a solution. If you have questions, read your bible and get your answers.

May the Lord bless all who read this comment of mine!

magneta said...

puede pa po maka hinge ng mga karunungan mo po, o mga oracion salamat po

taralets said...

Magandang araw!

Isa ako sa mga naniniwala sa mga cabalistikong bagay katulad ni apo indo, mr. j.pedro, gusto ko lang malaman kung jaranilla ba ang apilyido ni lolo mo? kasi kung siya nga ang nasasagap ko? oo siya nga ang kabalistikong si INDO! meron akong libro na halau sa majika cabala na taglay ni MOSES.kaya nga alam ko matindi si lolo mo! Congrats sayo at alam kong kapatid kita sa ating pinaniniwalaan.. ayun lang bro! paalala ko lang po na sa 2010 madami na ang marunong sa majika ng kasamaan o ang karunungan ni satanas. kaya nga sana magingat ang iba sa ating mga kababayan sa pagharap ng kapwa tao.magingat din tayo sa tunay na kaaway na lihim, ayon ay walang iba kundi ang mga mapanuksong demonyo.kaya ingat lagi. lagi tayo magdasal ng JUAN 17 sa bible dahil itong verso ni jesus na hindi nabago sa biblya.. kapag itoy naisapuso nyong basahin araw araw.may papasok sa bunbunan nyo na parang puting usok at un nga ang holy spirit.magiging matatag kayo laban sa lahat ng spiritong masama katulad ng spirito ng problema, pagnanasa, etc.. sana may gumwa sa inyo magbasa ng JUAN 17... sa ganun paraan ko kayo matulungan.

gumagalang
taralets06

makaveli said...

gud am po bro j.pedro ako po ay may kagaya ng anting anting na binigay sa inyo yung pong may nakalagay na A.S.E.S.T.S.S. di ko alam kung para saan po itong anting na taglay ko mat kung pano gamitin maaari po bang malaman ang dasal nya at oration at kung pano magkakabisa pati na rin po kung pano siya gagamitin lubos na gumagalang makaveli...

Mylan said...

Magandang hapon po sa inyo. Unang ko pa lang nabasa o natuklas ang site na ito ay nagkaroon kaagad ako ng interest. Hingi lang sana ako ng favor kung pwede padalhan nyo po ako o turuan tungkul sa agimat ni Lolo Indo. Ito po yong aking E-mail Add "mpquenoveva@gmail.com". Sana po pagbigyan ninyo ang hiling Ko....

Douglas said...

good day Juan Pedro gusto ko po sana humingi sa complete instruction sa orasyon na gayuma pahinungod ni San David yong may krus .........ito po ang email add ko
douglas_isr@yahoo.com..salamat po

al said...

magandang araw sayo sir!

sir nais ko lang po sa na maki usap na kng pwedi po ba na maibahagi mu sa akin ang ilan sa mga impormasyon o aklat na mero ka!nakiki-usap po ako,maari nyo po akong i-mail sa "zubiagaalvin@gmail.com"

sana pansinin nyo ung mensahe q,maraming salamat po at pagpalain ka ng pinakamataas na dyos ng langit at lupa

lucky9_1925 said...

hi.... sir pwede ko po kaya kayong matawagan? 09223676464 paki txt nyo po ako, gusto lng po sanang magtanong sa nyo ... tnx po

lucky9_1925 said...

quezon province po ba kayo? taga d2 rin po ako..... 09223676464

lucky9_1925 said...

sir aranilla or jaranilla po kayo? 09223676464

jorge said...

http://edmondjavier33.blogspot.com/2009/10/naniniwala-ba-kayo-sa-agimat-at-orasyon.html

pareho ng blog? sino ang original?

book of deus said...

GOOD DAY ALL,
sino po dito ang nakakakilala sa pangalang o apelyidong , o tyo berting,tyo ben,di ko po alam kung cno ang manggagamotsa kanila, kapatid po sya ng lola kong buhay pa hanggang ngayun na si percy sabangan,

paki e-mail po sa bookofdeus@yahoo.com,
gusto ko pong madag2kaalaman ko.
pease make it secret kasi ung tatay ng papa ko namantay sa dahil sa maligno pero un ung kwento ng papa ko sa kin,..
salamat po sa mag papaalam na may kadugo akong manggagamot at gusto ko po ang ganun..


benedictionem nostris,
ora pro nobis,
VIRGO MARIA,.....
aut.....OS168

book of deus said...

GOOD DAY ALL,
sino po dito ang nakakakilala sa pangalang o apelyidong , o tyo berting,tyo ben,di ko po alam kung cno ang manggagamotsa kanila, kapatid po sya ng lola kong buhay pa hanggang ngayun na si percy sabangan,

paki e-mail po sa bookofdeus@yahoo.com,
gusto ko pong madag2kaalaman ko.
pease make it secret kasi ung tatay ng papa ko namantay sa dahil sa maligno pero un ung kwento ng papa ko sa kin,..
salamat po sa mag papaalam na may kadugo akong manggagamot at gusto ko po ang ganun..


benedictionem nostris,
ora pro nobis,
VIRGO MARIA,.....
aut.....

book of deus said...

GOOD DAY ALL,
sino po dito ang nakakakilala sa pangalang o apelyidong , o tyo berting,tyo ben,di ko po alam kung cno ang manggagamotsa kanila, kapatid po sya ng lola kong buhay pa hanggang ngayun na si percy sabangan,

paki e-mail po sa bookofdeus@yahoo.com,
gusto ko pong madag2kaalaman ko.
pease make it secret kasi ung tatay ng papa ko namantay sa dahil sa maligno pero un ung kwento ng papa ko sa kin,..
salamat po sa mag papaalam na may kadugo akong manggagamot at gusto ko po ang ganun..


benedictionem nostris,
ora pro nobis,
VIRGO MARIA,.....

Bustillo, Jerry N. said...

Mga hangal kayo, balang araw malalaman nyo na hindi makabuluhan ang witchcraft para ipakita sa lahat ang kapangyarihan ng diablo. Akala nyo ba nasisiyahan ang Ama sa ginagawa nyo, ginagamit lang kayo ni satanas para lang mapalayo kayo sa kakayahan ng dios na tagapagligtas. Masisisi nga kayo.

Conrad said...

gusto kong maka hingi ng bertud ng magnetismo,
indang boy

book of deus said...

to jerry....malalaman mo ang kasagutan sa mga sinasabi mo pag namatay kana......


www.aklatngsalamangka.blogspot.com

michael said...

pare,hihingi sana ako ng orasyon pangontra sa mga mangkukulam para maprotektahan sana ang pamilya ko sa mga naiinggit sa amin...
salamat pare.... 2ng e-add ko mm.warrior27@yahoo.com

anton said...

tanung ko lng po..kung may libro kyo ng akram indirim perdision?at saan ko po ito makukuha

teddy ortecio said...

lolo pno poh bang buhayin 2ng gamit kong my isang mata at my 3 A sa gilid...pano poh bang gamitin 2 lolo

teddy ortecio said...

lolo pno po bang buhayin ang nabili kong tatiolok na may isang mata sa gitna at may 3 A sa gilid nais ko kasing pagka loban nyo aq kase lagi nlang kami ng mga kamag anak ko ang inaapi sa lugar nmin, lolo pasensia na po sa mga nasabi ko talagang kaylangan ko lang pong mag higanti eh...

teddy ortecio said...

lolo add mo poh aq sa YM pwde po ba...to po YM ko, thedy_1968, lolo pls po sana pagka looban nyo aq, kase sawa na po aqng lumuha sa awa sa pamiya ko na hindi naman aq maka ganti...

teddy ortecio said...

lolo nakalimutan kona po possword ko d2, add nyo nalang po aq sa YM, lolo pwde po ba tayong magkita kase gusto kung bigyan nyo aq kahit ano po tatanggapin ko basta maka ganti lang aq sa mga ng api sa pamilya ko... lolo plz po ikaw lang po makakatulong sakin.

Argentum said...

asd

ghost said...

Good day po J. Pedro, baka pwede nyo po akong matulungan para mapagkalooban ng proteksyon lalo na po ngayong panahong ito, may nais po akong pasukan sa government na sa alam ko po ay delikado pero nais ko parin pong ituloy ito alan-alang sa pangarap ko.

Ako po ay naniniwala sa kakayahan at lakas ng mga agimat,dasal at mga orasyon...nais kulang po na akoy mapagkalooban ng ayon sa kailangan kong proteksyon.

email add: ghost_recon27@yahoo.com

sana po paunlakan nyo ang aking pakiusap, salamay po.

angel.bench said...

pls pls poh help me gus2 ko makasama bf ko at mainlove sya sa akin habang buhay turuan mo po ako ng gayuma na habang buhay ang bisa..tx me 09196266301 or email me angel.bench@yahoo.com thank you so much god bless you

Bustillo, Jerry N. said...

To book of deus,

Lahat ng kasagutan ay masasagot kahit dito sa mundo. Baka hindi mo lang maipaliwanag na hindi kailan man katangap tangap ang witch craft or wizardry kahit sa banal na kasulatan. Hindi mo ba na intindihan, Ginagamit lang kayo, hindi kailangan ng dios na gamitin ang kapangyarihan sa mga walang kabuluhang witch Craft. Mabasa ka nga ng Bibliya.

Kaya kung mamatay man ako, marangal akong mamatay na isang tunay na Christyano. Ikaw ano ka ba?

Sana mataohan ka o baka marami pa ang mapahamak bago ka magsisisi, mas malala ang kalagayan mo paghindi ka magbago.

erick said...

ako po ay baguhan plang po sa larangan ng pag aanting nais q pong matuto at alamin ng bawat kakayan ng bawat isa nito. at mga
tamang pamamaraan po. pra mapagana ang bawat salita nito

e2 ang email q
erick_lastimado@yahoo.com

erick said...

nais ko po sanang humingin ng tulong ksi ung testomonial ng infinito deus po sa akin ay kulang
maari mo po ba akong tulungan upang malaman ko ang buong testimonial po nito

e2 po ang active. e-mail
ko po

erick_lastimado@yahoo.com

carter said...

mga kaibigan paalala lng ang pag-aaral at pagkakaroon ng lihim na karunungan ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad dahil ang pag-darasal araw araw gabi gabi ay kailangan upang palakasin ang sarili sa mga pagsubok dadaan sa pagsubok ang mga nag-aaral ng lihim na karunungan

shinichi said...

hi sir... napaka swerte mo at sayo naibigay ang aklat na yan..lahat po ng laman ng blog nyo ay nabasa ko ng lahat acctually po lagi ako bumibisita dito para tignan kung may bago po ngunit hindi na po nasundan ang ilan sa mga aral ninyo;;; may mga alam din ako ilan sa mga nasulat sa aklat na yan..na karunungan ng diyos at iyang aklat na din na yan po ang nawawalang karugtong nga ng bibliya... pag ingatan mo po yan.. sana po bigayan mo nmn ako ng buong kopya..ng libro..ni lolo indo.. salamat po..

shinichi said...
This comment has been removed by the author.
Albert Servando said...

Hello po. I am very interested sa agimat po. Actually marami na po ako narinig tungkol dito. Gusto ko pa sana subukan pero hindi ko alam kung paano. Wala po ako agimat at libro. Anyone can help me? Please email me albertservando@gmail.com or mobile no. 0920-400-0000. maraming salamat po. ALBERT

shan_cook said...

hi po sainyo mahilig po ako sa ganyan kung pwede po sana maturoan nyo ako pls,,,deserving po ako matuto sana po libre lang eheheh joke lang po ito po ung email add ko shan_cook18@yahoo.com sana po matulongan nyo ako,,, parang awa nyo na po plss,..:-)

listir said...

pinagkakaperahan po ba ito?para makakuha ng karunungan?

aBstRaLak said...

,mga master ANo po bA ang dapat gawin ng mga gustoNg matUto sa ganitoNg bAgay? Gusto ko po snang magpatUro. Tnx po e2 fb ko. dgreat_adrian@yahoo.com maraming salamat po ulet.

Andel said...

Sir, hihingi sana ako ng kopya ng panalangin,poder,susi ng medalyon ng Infinito Deus.. malaking bagay po sakin na ako ay mapagbigyan ninyo sa aking kahilingan.. salamat po..

zcorpio18@yahoo.com

florante flores said...

good evening po!
active pa po ba tong blg na to o hndi na? kasi wala pa pong reply sakin..
kung active pa po, sana po repyn nyo ko sayang naman po ang pagatngkilik at paniniwala namin sainyo.

ellan aras said...

hi,gud morning..onsaon pagbuhat ug ingon ani nga bloger.?

ellan aras said...
This comment has been removed by the author.
jordante aras said...

hi

Jhun De Jesus said...

kaibigan guato ko lang magtanong kung san gamit ang bato ng bulalakaw at mutya ng okra ang email add ko palaris350@gmail.com

edwardo volterra said...

number ko 09365532066

edwardo volterra said...

gusto ko lang talagang matuto ng iba pa tungkol dito...text nyo lang ako

esteron alfredo said...

san po nabibili ang agimat na libro nito.

msparentela said...

Good day po! Melody po ito ng GMA7 - Public Affairs sa programang Frontrow po. Gumagawa po kami ng docu tungkol sa mga agimat.Nais po sana namin kayong makapanayam tungkol dito.Sana po'y mapagbigyan po ninyo kami. Maaari nyo po kaming i-email sa : msparentela@gmail.com. Maraming salamat po!

imman lumen said...

kung inyo pong mamarapatin pwede po bang makahingi ng kpya ng maga libretta mo sa lolo nyo. either email nyo na lang po or sms nyo ako kung ano po ang maarin. immanph1@gmail.com or 09202436562..mara,img salamat sa inyong pagpapala...

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Arvin Umali said...

sir meron po nagbigay sakin ng orasyon ang sabi niya alamin ko daw kung para saan.matgal niya na itong binigay sa akin pero hanggang ngayon ay saulo ko pa di lang ako sigurado kung tama pa ba DOOT NOOT BATOR BATORE DE DEUS.. paano ba ito bigkasin at para saan eto number ko 09172733893